Ewan ko ba kung sinong hinayupak ang nagpauso ng bullfrog chenes dito sa office. Ang naalala ko lang eh may isang pagkakataon na may isang irate agent ang nagcomment about sa isa pang agent--etchoserang bullfrog daw. Syempre, may non-disclosure policy ang lola nyo kaya itago na lang natin ang irate agent sa pangalang GEISHA.
DUH-- Hindi siya obvious diba? Choz!
Anyways, bakit bullfrog? Sa lahat ba naman ng amphibian bakit yan pa? Syempre ang lola nyo mega research naman (kuno) pero sa totoo lang walang nasabi ang wikipedia.org sa explanation ng mga becky--kapag naturingan kang bullfrog eh isa kang (1) bakaw, (2) agaw-atensyon, at (3) walang konsepto ng decibels (volume).
At hindi lang yan, madami pa itong variation depende sa sitwasyon. Heto ang mga ilan sa kanila:
- etchoserang bullfrog
- assumptionistang bullfrog
- atribidang bullfrog
- konteserang bullfrog
- pabibong bullfrog
- bitchesang bullfrog
- kabayong bullfrog - Ay wait, parang nde ata pasok ito sa banga pero keri na rin, kayo na lang bahala mag-imagine. LOL.
May maidadagdag ba kayo sa list? Reply na! Choz! Abangan mga variation na ito sa mga etiketa ng mga upcoming posts ko para naman may hint kayo sa mga updates ko.