Tuesday, March 31, 2009

Isang Pamamaalam (Na Naman?!)

. Tuesday, March 31, 2009
2 comments

Sa totoo lang hindi pa ako ready magupdate pero pakiramdam ko its about time--back to normal programming.

WAIT LANG!

Hindi pa pala. Isa lamang itong anunsyo--isang pamamaalam.

2 oras na halos ang nakakalipas nang mamaalam si Don Armando. Parang kanina lang pagpasok ko ay sobrang daming cliente sa casa pero matapos ang isang oras at kalahati, isang nakakalugmok na katahimakan ang dumating. Tuluyan nang binawian ng buhay si Don Armando. Magsasara na ang tindahan/casa na bumuhay sakin sa halos apat na taon.

Apat na taon. Akalain mo yun? Hindi ko na rin namalayan eh--either busy lang talaga o talagang wala lang talaga akong panahon para isa-blog (yeiz bagong term yan, parang isabuhay kumbaga) ang bawat hinagpis at tamis na naranasan ko sa piling ni Don Armando. Sobrang dami ang nangyari mula nung kapaskuhan hanggang sa nakalipas na araw na nagdaan. Marami na rin ang humayo't lumisan at naging mapalad sa mga kani-kanilang kinakasama sa buhay na ito.

Sa mga oras na ito, hindi ko maintindihan ang talagang nararamdaman ko--para lang naman akong constipated at hindi maipinta ang mukha ko. Kung sabagay uso ang ganito dahil sa kabilang stasyon ko lang eh may lumilipad na dyaryo, minsan tumatawa biglang sisigaw, magagalit, ngangawa, magmumura tapos tatawa ulit--bipolar borderline schizophrenic in short. Composed pa pala ako kung ganun.

So ano na? Teka makapagpaalam muna ako sa mga kasama kong iniwan ni Don Armando.

Sino nga ba dapat kong unahin? Hmmm, by age ba ito? by seniority? or by maturity (choz)! Ewan! Basta paalam at hindi pa ito ang kapusan ng mundo. Pasalamat na lang tayo at sinusuportahan pa rin tayo sa mga iniwan na ari-arian ni Don Armando.

Ako? Iniisip ko na lang ang makasaysayang linya ni Kris Aquino sa Sukob: "Lahat tayo ngayon ay yayaman!"

Bakit?
Pwes, abangan na lang sa susunod na kabanata.

Read More »»

Tuesday, December 23, 2008

Commercial Break

. Tuesday, December 23, 2008
0 comments


Break muna tayiz sa laglagan portion. Ito ay hango sa totoong paguusap sa telepono. First hand information itiz.


Etchos: Thank you for calling chenelyn boom boom gargoyle this is Etchos. How can I assist you?

Customer: Oh hi, I'm calling to check on a certain item online.

Etchos: Sure, let me assist you on this one. Can I have the name of the item atleast?

Customer: Yeah uhm...its...the faux (pronounced by the customer as 'fox') fur shearling coat.

Etchos: Oh you mean the FAUX (pronounced as "faw") FUR SHEARLING COAT?

Customer: Yeah the fox shearling coat (ang kulit diba?). I just want to ask if its made from real fox fur?

Etchos: *mute* Nag-compose ng sarili para mangaral. Choz.

Etchos: No, its not made from fox fur. FAUX means false in French so its not made from FOX fur. Alright?

Customer: *parang walang naintindihan talaga* Oh so it not made from real fox fur then?

Etchos: *Nagpipigil na talaga* No.

Customer: Okay, its all I needed to know then. Thanks. *Sabay hang-up*


Jusko. No wonder maraming hindi nakakapagtapos ng college dahil bumabagsak sa French subject ano?! Buti na lang ako may isa pa akong alam na French hindi katulad ng iba jan na second language daw pero nakakalimutan na daw niya. DUHHH! Bato-bato sa langit ang tamaan--mategibums na sana!
VOULEZ-VOUS COUCHER AVEC MOI, CE SOIR? Choz!

Read More »»

Sunday, December 14, 2008

Ang Mga Lalaki Sa Piling Ng Huling Hantungan

. Sunday, December 14, 2008
0 comments


Disclaimer: Tinagalog ko lang! Graveyard kasi eh, wala na akong ibang maisip eh--pasyensa naman!

Hindi pa naman ako namamatay in-purrness, pero baka ikamatay ko itong blog na 'to kapag nabasa ito ng mga kinauukulan. Halos dalawang buwan na rin ang lumipas nang lumipat ako ng timeslot mula sa dating siesta shift este, mid-shift kaya eto ako ngayon--walang konsepto ng oras at tulog. Ngarag man sa dami ng gawain nung una pero nagpapasalamat ako sa landlady namin dito dahil nag-expand ang brothel (Choz lang!) kung kaya't dumami ang mga ulam, I mean, utaw na makakasalimuha ko. Heto ang mga kapuna-puna sa kanila.

Kuya Borta. Na-mimiss ko na yung bakat mong, uhm...katawan at ang kulay tae, este earth color mong t-shirt. Sadyang kumpleto ang shift ko kapag nasisilayan at makakasabay kita sa elevator. Choz!

Mazzinger Zzzz. Mabenta 'tong zi kuya za mga becky kaya hindi na ako makikahati za kanila. I dont like hweting eh. Kayo na bahala mag-dezipher. Pazok ang CHOZ dito! Wahahahaha

Kuya NokLa. Kapuna-puna ang ID strap niya kaya wala akong maibigay na maayos na pangalan sa kanya. Choz. Kapansin-pansin ang mga nakaw na tingin niya sa aming landlady. Kapante naman kami dahil becky din siya! Naman! Ah-uh Dizz my shizz. Ika nga niya! Awardance!

Totoy Bibo. Simula't sapul pa lang angat na siya sa mga kasabayan niya--unang call pa lang i-rate na hindi pa nga niya alam kung ano concern ng customer eh. I-pull up mo muna kasi yung mga informations (sic) ito naman!

Maria Cherry. Malungkot ang buhay sa loob ng aparador, ika nga ng amin butihing landlady, kung kaya't paminsan-minsan lumalabas 'tong c Maria una ang paa pero kapag natataranta eh naiipit siya. Huwag na lang natin siya balahurain ng mga tanong kung ano ba sya talaga--idaan na lang natin sa pagkanta, diva?!

Tita Swarding. Ang lakas niya magparanig in fairness--wala naman yung pinaparinggan niya pati si Mareng Maria naiirita sayo. DUH?! Ang tawag dun backstabber na bullfrog! Update: Kung ang totoong Tita Swarding ay may 7 anak (awardance!), siya naman more than 7 ang kinakareer. Hmmm...Ang tsismis nga naman. Choz!

Kuya Powerpuff. Nakaka-abala talaga. Sa lahat ba naman ng nickname, bat yun pa? Huwaaay?!

Geisha. Ay teka, sa ibang category pala siya. Peace tayo mare! Choz!

Nega Star. Lumipat na pala siya ng timeslot. Deadma.

Shrek. Balita ko nagpapalit daw siya ng kaanyuan, este pangalan pala kapag madaling araw. Hala sige, magbalahuraan tayo ng pangalan. Hindi ba Myra?

Nakilala nyo ba sila? Well, batu-bato sa chenelyn, ang tamaan--tegibums! (sana wag ako tamaan ano?) 'Heto muna at abangan na lang ang susunod pang kabanata ng laglagan portion! Yeeeeiiiz!

Read More »»

Etchos Reviews: Foundation Day: The Shinning, Shimmering, Splendid Part 1

.
0 comments

Alam ko sobrang delay na itong review na ito pero sinadya kong i-delay (choz! palusot lang) in fairness sa mga hindi pa nakakapanood. Siguro naman, marami na nakapanood nito noh?!
Anyways, on to the movie. Heto ang mga ilang kapuna-puna sa movie na halos mamatay ako sa kakatawa sa sinehan.
  • Winnur ang foundation day ng mga lead actors sa movie in purness! Wag nga lang mafo-focus ang batok nila dahil halatang hindi pantay!

  • Ning, ang wig mo halata! Naway sa Part 2 maganda-gandang wig na mailalagay sayo.

  • Awardance ang makabagbag-damdaming landian sa gubat na may halong outdoor sex, este outdoor lampungan na nagtapos sa tuktok ng puno na tila dinaig nila ang Crouching Tiger, Hidden Dragon sa mga scenes na yon.

  • Ang mag-prom naka-cast ang isang paa. Haller? Pagkatapos i-claim na nahulog ka sa hagdanan (mula sa second floor yan ha) at tumagos sa salamin eh buhay ka pa? Kung ako ang magulang nyan nde ako maniniwala na ganyan lang inabot niya. Teka, tao pa ba siya nun nung iwinasiwas siya?
  • At ang pinaka the best of all scenes--nung ipakita ng lead actor ang kanyang tunay na kulur sa liwanag--SHIMMER ALL OVER si bakla! Halos mamatay ako sa kakatawa kasi never pa akong nakakita ng vampire na shimmer. Kaloka talaga. Granted na anemic, este maputla sila dahil dyeta sila sa animal blood pero, shimmer? Winnur! *Standing Ovation ang mga becky*

So ayun, overall akala ko makakatulog ako movie pero hindi pala. Although mahilig ako sa vampire movies pero never have I expected na bubungisngis ako all throughout the movie. Not to mention na may mga kasama pala ako that time na aliw na aliw din (may isa nga sobrang kinikilig pa parang virgin lang! choz!) Siguro naman by this time alam nyo na kung anong movie ang tinutukoy ko? Eh di ano pa---TWIGLIG! (Geisha, pahiram ng term!)

At eto ang movie poster nila. Ay mali! Hindi pala poster yan pero in fairness, ganyan ang level ng shimmer nila, award noh? Ano kaya magiging title ng susunod na movie nila? Abangan na lang natin!

Read More »»

Friday, December 5, 2008

Contentment

. Friday, December 5, 2008
1 comments


So okay, the ultimate reason behind why I couldn't gather myself to write something in this blog is because I couldnt decide on how it should look. Naalala ko na ulit yung feeling ng napapraning dahil sa nde ka makuntento sa itsura ng blog mo. Simple lang naman hinahanap kong design--kita naman sa current layout, diba? Pero parang may kulang pa rin eh. Dagdag pa ang super dooper mega over queue-ing sa office kaya wala talagang time para mag-blog. 'Yung tipong ang ganda nang naisip mong theme para sa post mo then after 5 to 15 calls na magkakasunod eh gone with the wind na sya! Nakakatuyo ng brain cells, sobra. Ultimo si Mareng Geisha eh nahahagard sa dami ng calls at hindi na rin nakakapag update.

Siguro nga kailangan ko muna makuntento dito sa layout na to hangga't matapos ko rin ang mga tambak kong drafts. And besides, hindi man ako mahilig sa colorful na blog layouts, mejo makulay naman ang mga blogs na ipopost ko dito (sana lang!).

Keep checking back in the next few days dahil may mega post na magaganap. 'choz!

Read More »»

Monday, November 24, 2008

Ang Bullfrog

. Monday, November 24, 2008
2 comments

Ewan ko ba kung sinong hinayupak ang nagpauso ng bullfrog chenes dito sa office. Ang naalala ko lang eh may isang pagkakataon na may isang irate agent ang nagcomment about sa isa pang agent--etchoserang bullfrog daw. Syempre, may non-disclosure policy ang lola nyo kaya itago na lang natin ang irate agent sa pangalang GEISHA.

DUH-- Hindi siya obvious diba? Choz!

Anyways, bakit bullfrog? Sa lahat ba naman ng amphibian bakit yan pa? Syempre ang lola nyo mega research naman (kuno) pero sa totoo lang walang nasabi ang wikipedia.org sa explanation ng mga becky--kapag naturingan kang bullfrog eh isa kang (1) bakaw, (2) agaw-atensyon, at (3) walang konsepto ng decibels (volume).

At hindi lang yan, madami pa itong variation depende sa sitwasyon. Heto ang mga ilan sa kanila:

  • etchoserang bullfrog
  • assumptionistang bullfrog
  • atribidang bullfrog
  • konteserang bullfrog
  • pabibong bullfrog
  • bitchesang bullfrog
  • kabayong bullfrog - Ay wait, parang nde ata pasok ito sa banga pero keri na rin, kayo na lang bahala mag-imagine. LOL.

May maidadagdag ba kayo sa list? Reply na! Choz! Abangan mga variation na ito sa mga etiketa ng mga upcoming posts ko para naman may hint kayo sa mga updates ko.

Read More »»

Sunday, November 23, 2008

Bagong Buhay

. Sunday, November 23, 2008
1 comments

Pagkatapos ng mahigit kumulang na isang siglo nang mawala ng parang bula ang blog ito, pwes--due to insistent public demand (chos!) Muli kong bubuhayin ang ETCHOS.

I'm wide open (no pun intended) for comments, suggestions and violent reactions--as if!

So for now, aayusin ko muna 'tong fez ng blog na ito. Yun lang!

Read More »»