Tuesday, March 31, 2009

Isang Pamamaalam (Na Naman?!)

. Tuesday, March 31, 2009
2 comments

Sa totoo lang hindi pa ako ready magupdate pero pakiramdam ko its about time--back to normal programming.

WAIT LANG!

Hindi pa pala. Isa lamang itong anunsyo--isang pamamaalam.

2 oras na halos ang nakakalipas nang mamaalam si Don Armando. Parang kanina lang pagpasok ko ay sobrang daming cliente sa casa pero matapos ang isang oras at kalahati, isang nakakalugmok na katahimakan ang dumating. Tuluyan nang binawian ng buhay si Don Armando. Magsasara na ang tindahan/casa na bumuhay sakin sa halos apat na taon.

Apat na taon. Akalain mo yun? Hindi ko na rin namalayan eh--either busy lang talaga o talagang wala lang talaga akong panahon para isa-blog (yeiz bagong term yan, parang isabuhay kumbaga) ang bawat hinagpis at tamis na naranasan ko sa piling ni Don Armando. Sobrang dami ang nangyari mula nung kapaskuhan hanggang sa nakalipas na araw na nagdaan. Marami na rin ang humayo't lumisan at naging mapalad sa mga kani-kanilang kinakasama sa buhay na ito.

Sa mga oras na ito, hindi ko maintindihan ang talagang nararamdaman ko--para lang naman akong constipated at hindi maipinta ang mukha ko. Kung sabagay uso ang ganito dahil sa kabilang stasyon ko lang eh may lumilipad na dyaryo, minsan tumatawa biglang sisigaw, magagalit, ngangawa, magmumura tapos tatawa ulit--bipolar borderline schizophrenic in short. Composed pa pala ako kung ganun.

So ano na? Teka makapagpaalam muna ako sa mga kasama kong iniwan ni Don Armando.

Sino nga ba dapat kong unahin? Hmmm, by age ba ito? by seniority? or by maturity (choz)! Ewan! Basta paalam at hindi pa ito ang kapusan ng mundo. Pasalamat na lang tayo at sinusuportahan pa rin tayo sa mga iniwan na ari-arian ni Don Armando.

Ako? Iniisip ko na lang ang makasaysayang linya ni Kris Aquino sa Sukob: "Lahat tayo ngayon ay yayaman!"

Bakit?
Pwes, abangan na lang sa susunod na kabanata.

Read More »»